Pagbabakuna sa mga paaralan muling ipatutupad ng DOH

 


Muling ilulunsad ng Department of Health (DOH) ang School-based Immunization (SBI) program sa lahat ng pampublikong mga paaralan sa buong bansa ngayong School Year 2024-2025.

Layunin ng SBI na mabigyang proteksyon ang mga bata laban sa mga tinatawag na vaccine-preventable diseases gaya ng tigdas, rubella, tetanus, diptheria, at human papillomavirus o HPV.

Mga mag-aaral na nasa Grade 1 at Grade 7 ang target na mabigyan ng bakuna kontra Measles-Rubella at Tetanus-diphtheria at mga babaeng nasa Grade 4 naman ang bibigyan ng HPV vaccine sa mga piling paaralan.

Ang SAVS ang isa sa mga unang paaralan sa San Andres na magkakaroon ng pagbabakuna sa mga Grade 7 na mga mag-aaral na pinahintulatan ng kanilang mga magulang na tumanggap ng mga nasabing bakuna.

Isasagawa ng pagbabakuna sa pangunguna ng vaccination team ng Rural Health Unit (RHU) ng San Andres pagkatapos ng kick-off ceremony sa Plaza Bonifacio ngayong Oktubre 7.

Nagsimulang ipatupad ng DOH ang SBI noon pang 2013 ngunit natigil ng ilang taon dahil sa Covid-19 pandemic.

Nitong Martes, Oktubre 1, ay nagsagawa ng orientation ang mga doktor at nurse ng RHU San Andres para sa mga magulang ng mga Grade 7 upang maipaliwanag ang mahahalagang impormasyon tungkol sa SBI.



Post a Comment

0 Comments