OPLAN LABAN COVID-19 CARAVAN na bagong proyekto sa ilalim ng Brigada Eskwela (BE), namahagi ng mga COVID-19 essentials sa mga magulang at mag-aaral.
Sa pangunguna ni John Dewey Chavez, ang kasalukuyang BE Coordinator ng SAVS, nakatanggap ng mga food packs, disinfectant, face masks, gloves, laminated sacks, at iba pang items ang ilan sa mga nakibahagi sa bayanihan sa SAVS nitong Biyernes, Hulyo 23, 2021.
Itutuloy ang caravan sa mga susunod na araw at inaasahang mas makahihikayat ito ng mas marami pang stakeholders na makipagbayanihan sa paaralan.
Katuwang din sa Oplan Kontra Covid-19 Caravan ang SAVS YEAH (Youth Enthusiasts and Advocates for HEalth) at SAVS Cares, SAVS Shares.
Larawan kuha ni AJ Soliveres
0 Comments