Nakiisa ang SAVS sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno sa bakuran at palibot ng paaralan, nitong Huwebes, Hulyo 1, 2021.
Nakipagtulungan din sa gawain ang mga Forest Protection Officers ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) at mga sundalo ng Alpha Company, 831B, 9ID ng Philippine Army na nakabase sa Comagaycay Detachment.
Nagpaabot ng pasasalamat si Gng. Maybelle Rubio, ang Punungguro ng paaralan sa lahat ng mga nakibahagi at sa PENRO Catanduanes sa mga ipinamahaging seedlings.
Ang buwan ng Hulyo ay idineklarang National Disaster Resilience Month sa bisa ng Executive Order No. 29 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2017.

0 Comments